Home Page
Photo Page
Contact Page
Favorite Links
Custom Page
Custom2 Page
|
Click Barkada by Joey Diego of Chismis.ph
UNTI-UNTI nang nahihigitan ng Click barkada ang kanilang kalaban. Sa recent survey, nakadikit na ang rating nito sa kalabang show kaya't masayang-masaya ang pamunuan ng CLICK. Sa internet, in demand ang web page ng Click sa dami ng request tungkol sa kanilang idolo. And among the group sina BIBOY RAMIREZ at ROXANNE BARCELO ang pinaka paborito. Ayon sa mga fans, gusto nilang ibalik ang loveteam ng dalawa. Kahit nagki-klik na ang tandem nina ROXANNE at JAMES BLANCO, type pa rin nila ang dating magka-loveteam sa Click. Nadagdagan pa ito nang sina ALESSANDRA DE ROSSI at Biboy ang pinagpareha.
Okey din ang loveteam nina SHERWIN ORDONEZ at TRINA ZUNIGA dahil agad silang nagkaroon ng followers. Marami ang nagsasabing sila ang higit na magkabagay dahil pareho silang matured kung tingnan. May resemblance din ang kanilang personalities dahil pareho silang chinese mistiso at mestisa.
Marami naman ang humanga kay MAYBELYN DELA CRUZ dahil magaling siya sa kanyang mataray na role. Na-impress sila kay Maybe dahil hindi sila nagkakalayo ni DANICA SOTTO sa ganitong klase ng role. But in real life, sweet naman siya kahit marami ang naiinis dahil sa role niya. Masayang-masaya siya dahil maganda pala ang naging performance niya.
Habang tumatagal, lalo namang nagiging click ang loveteam nina TRICIA ROMAN at MIKO SOTTO. Kahit alam ng lahat na nali-link sila pareho sa magkapatid na EDWARD at ANGELIKA DELA CRUZ, hindi nagkakaroon ng conflict ang loveteam nila, bagkus ay lalo itong sinuportahan ng kanilang mga tagahanga.
Samantala, mistulang malaking threat naman sa loveteam nina Biboy at Alessandra sina Roxanne at Trina mga unang nakapareha ni Biboy. Pero ayon sa ilang observer, mas maganda ang tandem nina Biboy at Alessandra.
Patuloy pa rin ang pag-click ng barkada, lalo pa nang dumagdag si COGIE DOMINGO na siyang pinakabago sa show.
Isama na rin sina WOWIE DE GUZMAN at WENDELL RAMOS na malaki ang naitulong sa show dahil very supportive ng kanilang mga fans na kaya naman click na click talaga ang Click.
|
|
Click Prom Night Episode by Joey Diego of Chismis.ph
KUMPLETO ang mga naggagandahan at nagguguwapuhang mga bida ng CLICK na sina BIBOY RAMIREZ, MAYBELYN DELA CRUZ, TRICIA ROMAN, MIKO SOTTO, DANICA SOTTO, TRINA ZUNIGA, ALESSANDRA DE ROSSI, JAMES BLANCO at SHERWIN ORDONEZ sa taping nila sa ginanap sa Tong-Yang Restaurant sa Quezon Avenue. Doon kasi kinukunan ang eksena sa JS Prom Night nila. Naka-gown ang mga babae at naka-suit naman ang mga lalaki. Pagkatapos ng maikling eksena na kinukunan ni Direk Mac Alejandre, ay nagpa-interview agad ang female cast at pina-pose para sa exclusive pictorial.
After that, eksena nina Biboy at Trina ang kukunan. Halatang tense na tense ang lahat ng staff na naro'n sa Tong-Yang dahil may time limit sila sa nasabing lugar. Kaya work to death sila para matapos ang eksena.
Marami pa rin ang nagsasabing mas bagay pa rin daw sina Trina at Biboy at sayang dahil nabuwag na ang kanilang loveteam. Pero may mga nagsasabing may future naman daw ang team-up nina Alex at Biboy Ang nangyari ay kanya-kanya na lang ng bet ang mga nanonood sa taping. Although may ilang nag-comment na mas mabuti muna kung mag-isa na muna si Biboy.
Anyway, going strong naman ang pair nina Miko at Tricia at habang tumatagal ay nagkakaroon na ng chemistry ang dalawa. Sweet na sweet pa nga sila at panay ang lambingan nila.
Marami namang humanga kay Maybelyn dahil sa mahusay niyang pagganap bilang kontrabida sa nasabing show. Magaling kasi si Maybelyn kaya marami ang bumibilib sa kanya. Okey daw ang chemistry nila ni Danica Sotto Pero in real-life ay sobrang bait talaga ng dalawang ito.
Habang tumatagal, lalong nag-i-improve ang show. Sa katunayan, nakatakda silang mag-taping sa Baguio para sa kanilang summer episode kaya isang adventure episode ang tiyak na aabangan ng mga fans. For the mean time heto ang exclusive shots ng buong CLICK barkada.
|
The Click Girls (Maybelyn, Tricia, Trina and Danica)
|
|
Antoinette Taus and the Click Loveteams by Rohn Romulo of Chismis.ph
Ginastusan at ginawa talagang special ang episode ng CLICK kung saan nagcelebrate ng 18th birthday (debut) si ALLIE, ang role na ginagampanan ni ANTOINETTE TAUS at si WOWIE DE GUZMAN ang kanyang naging escort doon.
Sa Ciudad Fernandina, Intramuros ginanap ang nasabing party at bongga at engrande talaga ang debut. Sabi nga ni Toni, pangatlong debut na niya ito sa telebisyon at ito na yata ang masasabi niyang pinakamaganda.
Mula sa taas ng walls of Intramuros nagmula si Allie na lulan ng isang tivoli (maliit na karwahe na hila ng isang kabayo) tapos sinalubong siya ni Hector (Wowie) sa gitna at ibinigay ang bouquet of roses at naglakad na sila pababa sa tinungtungan nilang red carpet.
Habang sila'y naglalakad ay may saliw ng magagandang awitin na hatid ng string quartet. Very festive ang ambience and of course, nandoon ang CLICK barkada headed by BIBOY RAMIREZ and TRINA ZUNIGA sa kanyang bagong hairstyle at akma naman sa pagbabago ng image ni Melai.
Sweet as ever din doon sina ROXANNE BARCELO at JAMES BLANCO na masayang masaya ng araw na 'yun dahil nalaman niyang nominated siya sa PMPC's 14th Star Awards for TV sa category na Best New Male TV Personality.
Very sweet din sina TRICIA ROMAN at JOSEPH IZON at patuloy na nagkukulitan sina MIKO SOTTO at ALESSANDRA DE ROSSI. Si SHERWIN ORDONEZ naman ang tumayong video cameraman sa debut, minus MAYBELYN DELA CRUZ na sa kuwento ay may family problem kaya hindi nakarating sa okasyong iyon.
Kumpleto ang debut, may cake, 18-roses and 18-candles at presidential table and of course with matching cotillion. Habang nagsasayaw si Toni at Wowie ay dumating si WENDELL RAMOS na dating boyfriend ni Toni sa story at kahit hindi ito nakabihis ay isasayaw pa rin niya at maggi-giveway naman si Wowie.
Mula ito sa direksyon ni MAC ALEJANDRE at napapanood tuwing Sabado sa GMA-7, alas-4:00 ng hapon, by the way, nominated din pala ang CLICK sa Best Youth Oriented Show.
|
Tricia Roman with Miko Sotto, Biboy Ramirez, James Blanco and Sherwin Ordonez.
|
|
Join na si Danica Sotto sa Click Barkada by Joey Diego of Chismis.ph
Join na si Danica Sotto sa Click Barkada...
Palaki nang palaki ang pamilya ng youth-oriented show na CLICK. At ang latest addition nga sa cast ay ang magandang dalagang anak ni Ms. DINA BONNEVIE na si DANICA SOTTO.
Winelcome na ang dalaga kamakailan sa show at kaagad namang na-at-home si Danica sa company nina BIBOY RAMIREZ, TRINA ZU„IGA, MAYBELYN DELA CRUZ, TRICIA ROMAN, MIKO SOTTO and the rest of the cast dahil okey na okey sa kanila si Danica.
|
Some of the clickers... Roxanne Barcelo, Biboy Ramirez and Trina Zuniga.
|
|